Tuesday, March 30, 2010

Information about Red Marks and Green Marks sa mga papel ng aso


They indicate Philippine Champion, Grand Champion, Hall of Fame. Kung meron nito sa papel ng aso mo, ang ibig sabihin, meron silang mga ninuno o magulang na nanalo sa mga dog shows competition.

Sa Dog Show naman, judges are looking for quality dogs at pasok sa mga standards internationally. Huwag lang maluluto ang labanan.

If you are into Dog show competition, inheritance is one of the very important factors. Mas maganda ang Anak ng champion “Son of/ Daughter of” kaysa sa Apo o Ka-apo-apuhan “Grandson of” ng mga Champion. And take note, prices of these dogs are very very expensive, because Dog show are very expensive too! Kaya don't base din sa mga redmarks and green marks especially kung ito ay nakalagay sa ika-15 hanggang 30 na ninuno nila. Dahil mawawala din yung mga redmarks na nasa huli kapag nagka-anak sila. Kung bibili kayo ng shih tzu na pang dog show, dun na po kayo bumili sa mga breeder na sumasali talaga ng dog show. Tulad ng ACHILLES o kaya CHEERS. Proven. Mabibigyan pa nila kayo ng tips sa Dog Show.

Kung pang-pet lang, it is nice to have a dog that you fell in love with. Yung tipong pag nakita mo ung aso, gusto mo na itong iuwi ng bahay at alagaan. Huwag ninyong gawing issue ang mga Dog Clubs kung saan naka-rehistro ang mga tuta ninyo. Tiwala ang breeder nila sa kani-kanilang organization. "Tignan ang tuta hindi ang papel ng tuta ^_^"

Monday, March 29, 2010

Information about AKCUPI and PCCI


Mga dog clubs sila na recognized sa buong pilipinas at sa ibang bansa. Both only accepts Pure Bred Dogs to be registered to them.

PCCI (Philippine Canine Club Inc.) was founded on March 21, 1963 "hindi pa ko nito pinapanganak, kahit parents ko hindi pa"... They are very known dahil sila ang kauna-unahang Dog Club sa pinas, kinikilala rin siya international. Marami siyang affiliates international dahil na rin ito sa mga Dog Show Competitions. Eto ay ang mga sumusunod:

1. A.K.C. (American Kennel Club)
2. F.C.I (Federacion Canina Internacional
3. C.K.C (Canadian Kennel Club)
4. A.K.U (Asia Kennel Union)

"They don't accept dogs from akcupi to be registered to them. Obvious naman."


AKCUPI was founded on January 7, 2008 by former PCCI "life members". Four decades lang naman siya nag-served sa PCCI. Affiliated nila ang:

1. F.C.I (Federacion Canina Internacional)
2. K.U.A. (The Kennel Club Union of Asia).

Kung may magtatanong kung bakit dalawa lang ang affiliates nila internationally, halllerrr?? 2008 lang po sila nag-operate.

Marami silang events na sinasagawa maliban sa dog shows tulad ng Free Anti-rabies, Dog Fashion Show, Dog Sport Show, etc etc. Purebreed, Cross-breed, kahit walang breed ay iniinvite nila. Kung gusto ninyo ng friendly, and very reasonable dog club, go to AKCUPI...
AKCUPI accepts all pure bred dogs from PCCI. Like when you want to transfer your dog to AKCUPI. Kung ipaparehistro mo naman ang mga tuta mo sa AKCUPI (Litter registration), kailangan ang dam and sire mo ay nakaregister din sa kanila.
Hindi sila mahigpit pag dating sa mga names ng mga puppies na ipaparehistro mo sa kanila. Halimbawa, Yumi, Naruto, Saskii.

Kung pupunta kayo ng ibang bansa, both PCCI and AKCUPI are accepted. Ang importante lang ay ang ang papeles na galing sa Bureau of Animal Industry not sa dog club. The BAI is located at Visayas Avenue, Quezon City. Ask your vet about the health certificate, shots & requirements. Depending on the country you are bringing your dog it may have to be quarantined. The Philippines is not a rabies free country.

There are lots of issues with PCCI and AKCUPI, but we don't want to intrude their privacy. hahaha. Little details lang. Para sa amin, parang pulitika lang iyan, kung may maling ginagawa ang administrasyon xempre may oposisyon. Kung gusto ninyo talaga malaman ang mga kwento-kwento, magresearch na lang kayo... Pero hindi ninyo malalaman ang tunay na kasagutan dahil wala naman tayo doon eh.